Pagpapalawig sa voter’s registration bahala na ang Comelec ayon sa Malakanyang
Ipinauubaya na ng Palasyo ng Malakanyang sa Commission on Elections ang pagpapasya kung palalawigin ang voter’s registration.
Pahayag ito ng Palasyo sa gitna ng umiiral na enhanced community quarantine sa Metro Manila mula August 6 hanggang 20 kung saan limitado ang paggalaw ng tao.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, isang constitutional body ang Comelec na mayroong hurisdiksyon sa pagsasagawa ng eleksyon sa bansa.
“Well, gaya po ng COA, ang Comelec naman po ay isang constitutional body at sila po talaga ang mayroong hurisdiksyon para mag-conduct ng mga eleksyon. So nasa kamay po iyan ng Comelec,” pahayag ni Roque.
Batid naman aniya ng Comelec na mayroong nangyayaring pandemya sa bansa.
“Do we agree? Well, we leave it to the Comelec dahil ang Presidente naman and the Comelec Chairman and commissioners have the same access to the same information that we all know is happening – mayroon pong pandemya,” pahayag ni Roque.
Matatandaang ilang mambabatas na ang nanawagan na palawigin pa ang voter’s registration.
Hanggang September 30, 2021 lamang ang voter’s registration sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.