Tarragona, Davao Oriental nilindol ng 37 na beses

Niyanig ng liindol ng 37 beses ang Tarragona, Davao Oriental.

Ayon sa Phivolcs, nagsimulang yanigin ang Tarragona ng 12:05 ng hatinggabi ng 3.0 magnitude.

Huling naitala ang lindol kaninang 5:30 ng umaga sa lakas na 3.2 magnitude.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pinakamalakas na lindol ng 4:17 kaninang umaga sa lakas na 5.3 magnitude.

Ayon sa Phivolcs, tectonic ang origin ng mga lindol.

Matatandaang niyanig ng 7.1 magnitude na lindol kahapon ang Governor Generoso, Davao Oriental.

Sa nakalipas na magdamag, anim na beses na niyanig ng lindol ang Governor Generoso.

 

Read more...