Dagdag na 2-M doses ng Sinovac COVID-19 vaccine, dumating na sa bansa

Screengrab from PTV Facebook video

Dumating na sa Pilipinas ang karagdagang dalawang milyong doses ng COVID-19 vaccine na gawa ng Sinovac Biotech, Huwebes ng gabi.

Ayon sa National Task Force (NTF) Against COVID-19, dumating ang mga bakuna sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 pasado 7:00 ng gabi.

Nabili ng gobyerno ng Pilipinas ang mga bakuna mula sa naturang Chinese drug firm.

Ito na ang ikatlong delivery ng bakuna laban sa COVID-19 sa bansa ngayong linggo.

Read more...