Ayon kay pangulo, karapatan ng mga botante na malaman ang nasabing impormasyon para matiyak kung kaya nitong tapusin ang kanyang termino at hindi masayang ang kanilang boto.
Sinabi ni PNoy na nakalagay din sa Saligang Batas na dapat alam ng gabinete ng magiging presidente ang kalusugan nito.
Hindi dapat aniya maulit ang nangyari noong Martial Law nang ilihim nang noo’y pangulo na si Ferdinand Marcos ang malala na nitong kalagayan.
Hindi pinangalanan ng pangulo ang nasabing kandidato pero ito aniya yung kakaumpisa pa lamang ng kampanya ay na-ospital na pero ayaw sabihin kung bakit.
Ito rin aniya ang nangako noon na tatapusin ang kriminalidad sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan pero binago at sa halip ay isu-supress na lamang sa loob ng kaparehong panahon.