PNoy, pinalalantad ang health status ng isang presidentiable
Hinamon ni Pangulong Noynoy Aquino ang isang presidentiable na ipaalam sa publiko ang tunay na lagay ng kalusugan nito.
Ayon kay pangulo, karapatan ng mga botante na malaman ang nasabing impormasyon para matiyak kung kaya nitong tapusin ang kanyang termino at hindi masayang ang kanilang boto.
Sinabi ni PNoy na nakalagay din sa Saligang Batas na dapat alam ng gabinete ng magiging presidente ang kalusugan nito.
Hindi dapat aniya maulit ang nangyari noong Martial Law nang ilihim nang noo’y pangulo na si Ferdinand Marcos ang malala na nitong kalagayan.
Hindi pinangalanan ng pangulo ang nasabing kandidato pero ito aniya yung kakaumpisa pa lamang ng kampanya ay na-ospital na pero ayaw sabihin kung bakit.
Ito rin aniya ang nangako noon na tatapusin ang kriminalidad sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan pero binago at sa halip ay isu-supress na lamang sa loob ng kaparehong panahon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.