DFA, nakikipag-ugnayan sa mga awtoridad ukol sa isyu ng hindi pagtanggap ng vaccination card sa Hong Kong
Nakikipag-ugnayan na ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga awtoridad upang matugunan ang isyu ng hindi pagkilala ng Hong Kong government sa vaccination card ng mga bakunadong biyahero at trabahador mula sa Pilipinas.
Nagpaalala ang kagawaran sa publiko na ang vaccination card na inilalabas ng mga local government unit (LGU) ay hindi nagsisilbing vaccination certificates sa ibang bansa.
“The Philippine government, through Department of Health – Bureau of Quarantine, issues an international certificate of vaccination (ICV) for use by outbound travelers vaccinated in the Philippines, upon their request, as proof of vaccination based on guidelines proposed by the World Health Organization,” saad ng DFA.
Dagdag pa nito, “entry policies concerning vaccinated persons depend on the receiving state or territory.”
Inabisuhan naman ang mga paalis na indibiduwal na tignan muna ang entry policies ng pupuntahang bansa bago bumiyahe.
Sinabi rin ng DFA na sundin ang mga travel advisory ng gobyerno ng Pilipinas, at maging ang inilalabas na abiso ng pupuntahang bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.