Dayuhang tumakbo ng hubo’t hubad sa riles ng MRT-3, arestado

DOTr MRT-3 photo

Inaresto ng mga awtoridad ang isang dayuhang lalaki matapos tumakbo nang hubo’t hubad sa riles ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).

Ayon kay MRT-3 OIC General Manager Asec. Eymard Eje, habang sinusuri ng isang security personnel ang dayuhan, bigla itong nagtanggal ng damit at tumakbo sa riles ng Boni Avenue Station patungong Shaw Boulevard Station bandang 5:35 ng umaga.

Agad hinabol ng apat na station security personnel ang dayuhan sa Boni at inalerto ang security personnel sa Shaw Boulevard station.

Nahuli ang pasahero bandang 5:42 ng umaga at ibinalik sa Boni station para sa mas malalim na imbestigasyon.

Dinala na rin ang dayuhan sa Mandaluyong Police Station para asa imbestigasyon at disposal.

Kasong alarms and scandal ang isasampa laban sa dayuhang pasahero.

Read more...