Higit 1-M katao sa Maynila, nabakunahan na vs COVID-19
Nakapagbakuna na ng isang milyong tao ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila kontra COVID-19.
Batay sa pinakahuling tala ng Kagawaran ng Kalusugan ng Maynila bandang 3:00, Huwebes ng hapon, umabot na sa 1,000,077 na tao ang binigyan ng hindi bababa sa isang dose ng bakuna kontra COVID-19.
Dagdag pa ng tala, 667,439 naman ang ganap nang bakunado o “fully vaccinated” kontra COVID-19 ng Pamahalaang Lungsod.
Ito ay resulta ng malawakang pagbabakuna ng Pamahalaang Lungsod mula noong nagsimula ang pagturok ng bakuna noong Marso 2021, ayon kay Punong Lungsod Isko Moreno.
Sa kasalukuyan, 19 na eskwelahan at apat na mall ang ginagamit bilang lugar pangbakunahan, maliban pa sa anim na ospital ng Pamahalaang Lungsod at ang tuluy-tuloy na “home service” na bakunahan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.