177 pang kaso ng Delta variant, naitala sa Pilipinas

By Angellic Jordan August 12, 2021 - 05:56 PM

Patuloy ang pagtaas ng kaso ng Delta variant ng COVID-19 sa Pilipinas.

Base sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH), UP-Philippine Genome Center, at UP-National Institutes of Health, may 177 karagdagang kaso ng naturang variant ang bagong naitala sa bansa.

Sa nasabing bilang, 144 ang local cases, tatlo ang returning overseas Filipino habang 30 ang bineberipika pa.

Sa napaulat na 144 local cases, 90 ang naitala sa Metro Manila, 25 sa Region 4-A, 16 sa Region 2, walo sa Region 1, tig-dalawa sa Region 6 at CAR, habang isa naman sa Region 11.

Dahil dito, umabot na sa 627 ang kabuuang Delta variant cases sa Pilipinas.

Sa nasabing bilang, 13 pa ang aktibo, 13 ang nasawi habang 597 ang naka-recover.

Patuloy pa ring hinihikayat ang publiko na mahigpit na sundin ang health protocols laban sa mas nakakahawang sakit.

TAGS: BreakingNews, COVIDvaccination, COVIDvaccine, DeltaCOVID, DeltaPH, DeltaVariant, InquirerNews, RadyoInquirerNews, TagalogBreakingNews, BreakingNews, COVIDvaccination, COVIDvaccine, DeltaCOVID, DeltaPH, DeltaVariant, InquirerNews, RadyoInquirerNews, TagalogBreakingNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.