Palasyo, walang naririnig na binatikos ni Pangulong Duterte si Moreno

Photo grab from PCOO Facebook video

Walang naririnig si Presidential Spokesman Harry Roque na binatikos ni Pangulong Rodrigo Duterte si Manila Mayor Isko Moreno.

Pahayag ito ng Palasyo matapos sabihin ni Pangulong Duterte na mayroong isang mayor sa Metro Manila ang tinanggalan niya ng kapangyarihan sa pamamahagi ng ayuda dahil hindi marunong mag-organisa.

Bagama’t hindi tinukoy ng Pangulo, lumutang ang pangalan ni Mayor Isko.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, walang lumabas na salita sa bibig ni Pangulong Duterte na direktang bumabatikos kay Mayor Isko.

Ayon kay Roque, ipinauubaya na niya kay Pangulong Duterte ang pagpapasya kung isasapubliko o papangalanan ang mayor na tinanggalan niya ng kapangyarihan.

Sinasabing kaya binabatikos ng Pangulo si Mayor Isko dahil banta raw ang alkalde sa Duterte dynasty sa 2022 elections.

Read more...