DOH, kinonsensya sa pagkamatay ng maraming tao dahil sa kapabayaan sa COVID-19
Higit sa nawalang mga oportunidad, nagdulot umano ng kamatayan at pagdurusa ng mga tao ang kapabayaan ng Department of Health (DOH).
Ito ang tahasang sinabi ni Anakalusugan PL Rep. Mike Defensor kasunod ng ulat ng Commission on Audit (COA) na nakitaan ng kakulangan ang DOH sa tamang paghawak sa pondo para sa pandemya.
Ayon sa kongresista, kahit simpleng vitamins ay wala ang mga tao kaya kapag nagkasakit ang mahirap, naghihintay na lang kung gagaling o mao-ospital.
Marami rin aniya ang nalubog sa utang dahil sa hindi mabayarang bill sa ospital habang maraming lugar ang nangangailangan ng suporta.
Binigyang diin ni Defensor na simula noong 2019 ay tiniyak ng Kongreso na handa ang bansa sa COVID-19 response lalo na ang kapakanan ng frontliners.
Iginiit nito na dapat talagang ayusin ang policy at research ng IATF at ihiwalay ang mga departamentong nagpapatupad lalo na ang DOH at DSWD.
Dapat rin aniyang i-download ng DOH ang kanilang procurement sa mga rehiyon dahil nagiging dahilan ng delay ang centralization.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.