Pahayag ito ng Palasyo matapos maalarma si Senador Panfilo Lacson ang ginagawang pakikibahagi ng PNP sa political activities gamit ang pondo ng pamahalaan.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, matagal nang ginagawa ng PNP ang pagsasagawa ng police community oeprations kahit pa noong mga nakaraang administrasyon.
Malinaw aniya na wala itong halong pulitika.
Binigyang katwiran ni Roque na mahalaga ang data gathering lalo’t tumitindi ang laban sa mga terorista at rebeldeng nag-aaklas laban sa pamahalaan.
Inihalimbawa pa ni Roque ang Japan na ginagamit din ang ganitong uri ng pamamaraan para sa peace and order.
Sinabi pa ni Roque na mismong si PNP chief Guillermo Eleazar ang nagsabi na volunteerism at walang sapilitian ang data gathering.