Data gathering ng PNP, hindi gagamin sa pulitika – Palasyo
Hindi gagamitin sa pulitika ang ginagawang data gathering ng Philippine National Police (PNP) katuwang ang iba’t ibang advocacy group sa mga bara-barangay sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Pahayag ito ng Palasyo matapos maalarma si Senador Panfilo Lacson ang ginagawang pakikibahagi ng PNP sa political activities gamit ang pondo ng pamahalaan.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, matagal nang ginagawa ng PNP ang pagsasagawa ng police community oeprations kahit pa noong mga nakaraang administrasyon.
Malinaw aniya na wala itong halong pulitika.
Binigyang katwiran ni Roque na mahalaga ang data gathering lalo’t tumitindi ang laban sa mga terorista at rebeldeng nag-aaklas laban sa pamahalaan.
Inihalimbawa pa ni Roque ang Japan na ginagamit din ang ganitong uri ng pamamaraan para sa peace and order.
Sinabi pa ni Roque na mismong si PNP chief Guillermo Eleazar ang nagsabi na volunteerism at walang sapilitian ang data gathering.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.