Bilang ng mga APOR na nakapag-avail ng libreng sakay sa railway lines, lagpas 510,000 na

By Angellic Jordan August 12, 2021 - 02:18 PM

Mahigit 500,000 na agad ang bilang ng Authorized Persons Outside Residence (APOR) na nakapag-avail ng libreng sakay sa railway lines.

Sa datos noong August 11, nasa 66,962 na bakunadong pasahero ang nakapag-avail ng libreng pamasahe sa MRT-3, LRT-2, at PNR.

Sa nasabing bilang, 12,567 na pasahero ang LRT-2 ang nalibre, 50,186 sa MRT-3 habang 4,209 naman sa PNR.

Dahil dito, umabot na sa 519,054 ang kabuuang bilang ng mga APOR na nabigyan ng libreng pamasahe simula noong August 3.

Matatandaang ipinag-utos ni Transportation Secretary Art Tugade ang libreng sakay sa mga pasahero naturukan na ng una at ikalawang dose ng COVID-19 vaccine.

Para ma-avail ang libreng sakay, kailangan lang ipakita ng mga bakunadong pasahero ang kanilang vaccination cards.

Epektibo ang libreng sakay sa railway lines hanggang August 20, 2021 kasabay ng pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR).

TAGS: DOTrPH, FreeRideforAPOR, InquirerNews, RadyoInquirerNews, DOTrPH, FreeRideforAPOR, InquirerNews, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.