Pagkakabasura sa planong mall voting, ikinahinayang ng isang House Leader

By Isa Avendaño-Umali April 28, 2016 - 09:54 AM

INQUIRER PHOTO / NINO JESUS ORBETA
INQUIRER PHOTO / NINO JESUS ORBETA

Nanghihinayang si House Committee on Suffrage and Electoral Reforms Chairman Fredenil Castro na hindi na tuloy ang planong mall voting ng Commission on Elections, dahil sa pangamba na magkaroon ng isyung legal.

Para kay Castro, walang problema sa mall voting dahil matagal na itong naaprubahan ng Comelec En Banc.

Nakakalungkot lamang aniya dahil malaking tulong sana ito sa decongestion sa mga eskwelahan na ginagamit na polling precints.

Bukod dito, maganda rin sana aniya na gawin sa mga mall ang botohan dahil hindi problema ang brown out sa mga ito.

Sa isyu naman aniya ng seguridad, sinabi ni Castro wala ring problema dahil may mga security guard sa mga mall na makakatulong sa Comelec sa pagpapanatili ng seguridad.

Maging ang mall owners ay suportado rin ang mall voting at mga kinakailangan bago at sa oras ng halalan.

TAGS: Comelec mall voting, Comelec mall voting

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.