121 inasunto ng PNP dahil sa ibat-ibang ‘pandemic cybercrimes’

By Jan Escosio August 12, 2021 - 11:24 AM

Ibinahagi ni PNP Chief Guillermo Eleazar na sa kabuuan ay nakapaghain na sila ng 121 reklamong criminal at 80 katao na ang sinampahan ng kaso bunga ng ibat-ibang uri ng cybercrimes nang magsimula ang pandemya.

Bunga aniya ang pagsasampa ng mga kaso sa pagpapakalat ng fake news, illegal online sale ng mga medical supplies at iba pang uri ng online scams.

“Patuloy ang pagtugis ng PNP sa mga walang kaluluwang pinagkakakitaan at nanamantala sa pangamba at takot ng ating mga kababayan sa COVID-19,” diin ng hepe ng pambansang pulisya.

Kabilang naman aniya sa mga nakasuhan ay 52 indibiduwal dahil sa pagpapakalat ng fake news at sila ay inasunto ng paglabag sa Unlawful Use of Means of Publication and Unlawful Utterances kasama na ang  Online Libel, Anti-Cybercrime Law at Presidential Decree No. 90.

May 31 naman na inasunto dahil sa online profiteering, overpricing, hoarding at unauthorized selling of medical supplies, na nakumpiskahan ng mga gallon ng disinfectant, vitamin C capsules, forehead thermometers, face masks, at ilang litro ng isopropyl alcohol.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.