Ina, patay matapos mabaril ng dalawang taon gulang na anak sa US

police-line1Patay ang isang nanay matapos aksidenteng mabaril ng kanyang anak kahapon sa Wisconsin, USA.

Ayon sa US police, nagmamaneho ang biktima nang mabaril ng kanyang batang anak na nakapuwesto sa likod ng kanilang sasakyan.

Dead on the spot ang bente sais anyos na biktimang si Patrice Price.

Aksidenteng nakalabit ng dalawang taon gulang na lalaking anak ng biktima ang isang 40-caliber na baril.

Nabatid na ang baril ay pagmamay-ari ng isang security guard na kasintahan ng biktima.

Narekober ang baril sa likod ng driver’s seat at ngayon ay nagsimula na ang imbestigasyon sa naturang insidente.

Read more...