Ikinatuwa ni Senator Christopher Go na nakabangon na mula sa ‘economic recession’ ang Pilipinas bago magtapos ang unang kalahati ng taon.
Ngunit pagdidiin ni Go, maingat na binabalanse ng gobyerno ang kalusugan at ekonomiya.
Sabi pa ni Go para magtuloy-tuloy ang pagsigla ng ekonomiya kinakailangan na pinahahalagahan din ang kalusugan at kaligtasan ng mamamayan.
“Binabalanse natin ang lahat lalo na ang pagprotekta sa kalusugan at pag-ahon ng ekonomiya. Palagi nating inuuna ang buhay at kapakanan ng bawat Pilipino upang masigurong walang maiiwan tungo sa ating muling pagbangon bilang isang mas matatag na bansa,” pagtitiyak ng senador.
Aniya pinagsusumikapan ni Pangulong Duterte na matupad ang kanyang pangako na labanan ang kahirapan at kagutuman sa bansa.
Kasabay nang pagpuri niya sa economic managers ng gobyerno ay ang kanyang paalala sa mamamayan na iwasan na magpakakampante dahil nagpapatuloy ang banta ng COVID 19 lalo na ng Delta variant.