Mga barangay tanod hindi dapat nagdadala ng baril sa duty – DILG

Ipinagdiinan ni Interior Secretary Eduardo Año na hindi awtorisado ang mga barangay tanod na magbitbit ng baril sa pagtupad ng kanilang tungkulin.

Ginawa ni Año ang paglilinaw kasunod nang pagkakapatay ng barangay tanod sa lalaking may kapansanan sa pag-iisip sa Tondo, Maynila kamakailan.

Binaril ni Cesar Panlaqui ang biktima matapos niya itong sitahin sa paglabag sa curfew.

“While we acknowledge that barangay tanods play a complementary role to local authorities in the maintenance of the peace of order in their respective communities, we firmly reiterate that they are not authorized to carry any firearm in the performance of their duties even if they own these firearms,” sabi ni Año.

Dagdag pa ng kalihim, ang mga rehistradong baril ng mga lokal na pamahalaan ay dapat iniisyu lang sa kanilang mga regular na kawani.

Aniya hindi kasama sa plantilla ang mga barangay tanod kayat hindi sila awtorisadong magdala ng baril habang naka-duty.

Ibinahagi pa nito na base sa DILG Memorandum Circular No. 2003-42, ang maari lang bitbitin ng mga tanod ay batuta, teargas, posas, flashlight at first aid kits.

Sinabi pa ni Año na kung may banta sa tanod dapat ay agad itong masgumbong sa pulisya.

Read more...