Kaso ng heat stroke sa Legazpi City, umabot na sa 206
Pumalo na sa dalawangdaan at anim (206) ang kaso ng heat stroke sa Legazpi City simula nang umiral ang tagtuyot sa bansa.
Naitala ang naturang bilang sa isang regional hospital sa probinsya ng Albay.
Ayon sa opisyal ng Bicol Region Training and Teaching Hospital (BRTTH), ang mga biktima ay may edad 19 pataas.
Nabatid na ang pagtaas ng kaso ng heat stroke sa Legazpi City ay dahil sa umiiral El Niño phenomenon na nagdudulot ng mainit na temperatura.
Kabilang ang Albay sa mga probinsya na nakararanas ng matinding epekto ng tagtuyot.
Ayon kay Raoul Ennanuel Zanta, head ng RTTH public health unit, sa panahon ng tag-init, maraming sakit ang lumulutang at isa na rito ang stroke.
Hinimok naman ni Zanta ang mga residente sa Legazpi na uminom ng walo hanggang labing dalawang baso ng tubig araw-araw upang maiwasan ang dehydration na nagdudulot ng stroke.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.