7.1 magnitude earthquake sa Davao hindi nagdulot ng malaking pinsala
Patuloy ang pagsasagawa ng damage assessment ng mga lokal na awtoridad sa Davao Oriental kasunod ng 7.1 magnitude earthquake bago mag-alas-2 ng madaling araw kanina.
Ngunit sinabi ni Office of Civil Defense spokesman Mark Timbal base sa mga paunang ulat sa kanila, hindi naman nagdulot ng malaking pinsala ang lindol.
“The assessment of our local personnel and our LGU (Local Government Unit) counterpart in Davao Oriental is ongoing. Initial assessment, so far, no major damages,” sabi ni Timbal.
Base naman sa nakuhang datos ng Phivolcs, ang epicenter ng lindol ay naitala malapit sa Mati, Davao Oriental.
Naramdaman ang lindol sa malaking bahagi ng Central Mindanao, CARAGA Region at Eastern Visayas Region.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.