Publiko, pinag-iingat laban sa mga online fixer
Binalaan ng Department of Transportation (DOTr) ang publiko sa mga online fixer.
Nilinaw ng Land Transportation Office (LTO) na walang kaugnayan sa ahensya ang Facebook account nina Matot Zara, Ronald Canadilla, at Dynnie Loraine.
Nag-aalok ang mga nabanggit na indibiduwal ng pekeng driver’s license sa mga aplikante online.
Paalala ng LTO, iwasan ang naturang uri ng aktibidad dahil maliban sa ilegal, hindi lehitimo ang nasabing transkasyon.
Pinag-iingat din ang mga aplikante sa mga indibiduwal na nag-aalok naman ng tulong sa labas ng opisina.
Sinabi ng ahensya na hindi rin ito awtorisado at konektado sa sa LTO.
Babala ng ahensya, malaki ang ipinapataw na parusa sa sinumang mahuhulihan ng pekeng lisensya.
Umapela ang LTO sa publiko na i-mass report ang mga nabanggit na Facebook account upang matigil na ang kanilang ilegal na aktibidad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.