Batangas, niyanig ng magnitude 3.8 na lindol; Ilang karatig-lugar, nakaramdam ng pagyanig

Tumama ang magnitude 3.8 na lindol sa Batangas.

Base sa earthquake information no. 3 ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong Tingloy dakong 7:07 ng gabi.

May isang kilometrong lalim ang lindol at tectonic ang origin.

Bunsod nito, naitala ang mga sumusunod na intensities:
Intensity 2 – Tingloy, Batangas; Abra de Ilog, Occidental Mindoro; Puerto Galera at San Teodoro, Oriental Mindoro

Instrumental Intensity:
Intensity II- Puerto Galera, Oriental Mindoro

Wala namang napaulat na pinsala sa mga nabanggit na lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang lindol.

Read more...