Sunog sumiklab dahil sa gas explosion sa BGC, Taguig

BFP photo

(UPDATE) Sumiklab ang sunog dahil sa gas explosion sa isang construction site sa Bonifacio Global City (BGC), Taguig City Miyerkules ng gabi (August 11).

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), apektado ng sunog ang bahagi ng 20th Drive corner 21st Drive.

Itinaas na ang sunog sa unang alarma.

Bandang 9:06 ng gabi, idineklara nang fire under control sa naturang lugar.

Read more...