Mga COVID-19 positive sa Makati na may mild symptoms, nakatanggap ng home care packages

By Angellic Jordan August 11, 2021 - 06:16 PM

Makati City government Facebook photo

Namahagi ang Makati City government ng home care kits sa mga COVID-19 positive na residente ng lungsod na mayroong mild symptoms.

Ayon kay Mayor Abby Binay, naglalaman ang bawat kit ng COVID-19 Home Care hand book, alcohol, oral antiseptic, sore throat spray, fever pad, thermometer, washable at disposable face masks, oximeter, vitamins at gamot sa lagnat.

Sinabi ng alkalde na nais nilang masigurong mayroong kagamitan ang mild cases upang matulungan silang ma-monitor ang kanilang kalusugan.

Malaki aniya ang maitutulong ng laman ng kit para sa mga COVID-19 positive.

Sinabi ni Binay na layon nitong makatulong sa paggaling ng mild cases kahit nasa bahay lamang nito.

Maliban dito, makatutulong ito upang maiwasan ang paglala ng kanilang kondisyon para hindi na kailanganing pumunta pa sa ospital.

TAGS: AbbyBinay, COVIDhomecarekit, COVIDresponse, InquirerNews, RadyoInquirerNews, AbbyBinay, COVIDhomecarekit, COVIDresponse, InquirerNews, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.