Pumalo na sa 650 na kaso ng COVID-19 ang naitatala sa Caloocan City.
Ayon kay Caloocan City Mayor Oscar Malapitan, nasa 70 hanggang 100 kaso ng COVID-19 ang naitatala sa lungsod kada araw.
Mahigit doble na aniya ito dahil noong mga nakaraang buwan, pumapalo lamang sa 30 kaso ng COVID-19 ang naitatala sa Caloocan.
Bagamat mahigit doble ang pagtaas ng kaso ng COVID-19, sinabi ni Malapitan na nasa 50 porsyento pa lamang ang bed capacity sa mga ospital.
Hindi pa aniya nagsisiksikan ang mga quarantine facility sa lungsod.
Sinabi pa ni Malapitan na nasa 700,000 katao ang nabakunahan kontra COVID-19 sa Caloocan.
Kalahati sa naturang bilang ay nakatanggap na ng second dose.
READ NEXT
Shortened quarantine period para sa mga indibiduwal na dumarating sa bansa na fully vaccinated, sinuspinde
MOST READ
LATEST STORIES