PNP, handa sakaling palawigin ang ECQ sa NCR

By Angellic Jordan August 11, 2021 - 03:02 PM

Kuha ni Chona Yu/Radyo Inquirer On-Line

Handa ang Philippine National Police (PNP) sakaling magdesisyon ang gobyerno na palawigin ang implementasyon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila.

Ayon kay PNP Chief, Police General Guillermo Eleazar, ang Metro Manila mayors at IATF ang nasa tamang posisyon upang magdesisyon kung palalawigin o hindi ang ECQ.

“Kami naman sa PNP ay nagpapatupad lamang ng mga desisyong ito bilang kabahagi ng pamahalaan na ang mithiin lamang ay hindi na lumala ang pandemya sa ating bansa sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga patakarang mismong ang mga health experts ang nagsasabing epektibo upang protektahan ang ating mga kababayan,” saad nito.

Ipinaalala ni Eleazar sa mga police commander na tignan din ang kapakanan at kaligtasan ng mga pulis, lalo na kung palawigin ang ECQ.

“Kung tatagal man ang ECQ, gusto ko din paalalahanan ang ating mga police commanders na tiyaking ligtas at maayos ang kalagayan ng ating kapulisan. Dapat ay may rotation sa deployment at kumpleto ang kanilang protective gear gaya ng face masks at face shields,” pahayag ng hepe ng pambansang pulisya.

Dagdag pa nito, “Kung i-e-extend ang ECQ, kailangan din ingatan ang kalusugan ng ating tropa upang mas epektibong makapagpatupad ng quarantine protocols at minimum public health safety standards at makapagsilbi sa ating mga kababayan.”

Isinailalim sa ECQ ang Metro Manila upang maiwasan ang pagkalat ng mas nakakaharang Delta variant ng COVID-19.

Epektibo ang ECQ mula August 6 hanggang 20, 2021.

TAGS: areas under ECQ, ECQ, ECQagain, GuillermoEleazar, InquirerNews, PNP, PNPonECQ, RadyoInquirerNews, areas under ECQ, ECQ, ECQagain, GuillermoEleazar, InquirerNews, PNP, PNPonECQ, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.