Biro, plataporma, laman ng talumpati ni Duterte sa mga negosyante

By Jay Dones April 28, 2016 - 04:37 AM

 

Inquirer file photo

Pagkakataon naman ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na humarap sa mga kasapi ng Makati Business Club.

Una nang humarap sa mga negosyanteng kasapi ng MBC sina Mar Roxas at Grace Poe.

Bahagi ng kanyang talumpati, sinabi nito na handa siyang doblehin ang sweldo ng mga alagad ng batas.

Nagpahayag din ito ng kahandaan na magbigay ng ‘pardon’ o amnesty sa mga kriminal at maging s akanyang sarili, pabiro nitong sinabi.

Inanunsyo rin ni Duterte ang plano nitong ipatigil ang programang reporma sa lupa ng gobyerno dahil tanging mga negosyante lamang umano ang nakinabang dito.

Bukod sa paghahayag ng kanyang plataporma, idinaan din ni Duterte sa mga biro ang paghahayag nito ng mga nais niyang mangyari sa bansa sakaling siya ang manalo sa halalan.

Sa kanyang talumpati, inamin ni Duterte na wala siyang ‘credentials’ para maging presidente.

Pahayag nito sa mga negosyante, laging ‘75’ ang kanyang grado noong ito ay nag-aaral pa.

Inamin din ni Duterte ang kanyang pagiging babaero.

Inulit din ni Duterte sa mga negosyante ang kanyang mga plataporma na magsusulong ng peace and order, edukasyon at kalusugan ng mga mamamayan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.