Todo-puri si Senator Christopher Go sa mga atletang Filipino na sumabak sa 2020 Tokyo Olympics.
Ayon kay Go bukod sa pagbibigay ng karangalan sa bansa, nagsilbi din inspirasyon ng sambayanan ang mga pambansang atleta.
Bukod dito, ayon pa sa senador, ay binigyan pag-asa din ng mga ito ang lahing Filipino sa kalagitnaan ng matinding pandemya.
“As chair of the Senate Committee on Sports, I assure you of my unrelenting and wholehearted support for our athletes and the entire sports community,” sabi ni Go.
Nangako din ito ng patuloy na pagsuporta sa sektor ng palakasan sa pamamagitan ng pagsusulong ng mga batas para sa kapakanan ng sports sa bansa, gayundin para sa paghubog ng mga bagong atleta na magbibigay karangalan sa bansa.
Sa katatapos na Tokyo Olympics, pumuwesto na pang-50 ang Pilipinas dahil sa nahakot na isang gold medal, dalawang silver medals at isang bronze medals.
Ito ang pinakamaraming medalya na nahakot ng Pilipinas simula nang makilahok ang bansa sa Olympics noong 1924.