P4.2B disbursements ng DPWH sa ilang proyekto sinuspindi ng COA

By Jan Escosio August 11, 2021 - 12:36 PM

Hinarang ng Commission on Audit (COA) ang pagbabayad sa may P4.2 bilyong halaga ng mga proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) dahil kulang-kulang ang mga dokumento.

Sa inilabas na 2020 Annual Audit para sa DPWH, napansin din ng COA na 3,283 infrastructure projects na nagkakahalaga ng higit P108 bilyon ang na-delay o hindi na itinuloy dahil sa kakulangan ng koordinasyon sa mga lokal na pamahalaan at ilang ahensiya ng gobyerno.

Sa ulat ng COA, ipinunto din ang ibat-ibang isyu sa DPWH sa pagpapatupad ng ‘Build, Build,Build’ program ng administrasyong-Duterte.

Nabatid din na nalugi ang gobyerno ng higit P681.9 milyon sa mga advance payments sa mga contractors na hindi na nabawi ng DPWH.

Napuna din ang kabiguan ng kagawaran na sumunod sa ilang probisyon sa mga kasunduan sa utang gayundin ang hindi pagsunod sa pagpapatupad ng mga foreign-assisted projects.

Nagbunga ang mga ito ng P89.51 milyong commitment fees na ibinawas pa sa mga ipinautang sa gobyerno.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.