Pamamahagi ng ayuda, ayon kay Sen. Ralph Recto, dapat ipaubaya sa LGUs

Kaya na ng mga malalaking lungsod ang pamamahagi ng ayuda at hindi na kailangan pang sumawsaw pa ng mga kinauukulang aheniya ng gobyerno.

 

Ito ang sinabi ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto at ito ay maituturing na pagtutulungan pa rin ng pambansang gobyerno at mga lokal na pamahalaan.

 

Diin niya hindi na dapat pang gawing ‘pambansa’ ang isang bagay na maari naman ng gawin ng mga LGUs.

 

Paliwanag niya maraming national agencies ang kapos na rin sa mga tao, samantalang ang mga lokal na pamahalaan ay may sapat na kawani para kumilos, tulad ng pamamahagi ng ayuda.

“Yung big cities and provinces have division size personnel. Tapos papalitan mo ng isang platoon of clueless people who don’t know the terrain,” sabi ni Recto at dagdag pa niya; “mas kabisado ng city hall people ang mga kasuluk-sulukan ng kanilang lugar, pati mga eskinita saulado, kaysa naman doon sa mga central office bureaucrats.”

Sa ganitong paraan, ayon pa sa senador, mas makakatipid sa gastos at panahon ang gobyerno.

Read more...