Higit 2,000 sundalo nakakalat sa Metro Manila para bantay-ECQ

Nagpakalat ang AFP ng mahigit 2,000 sundalo sa ibat-ibang bahagi ng Metro Manila para tumulong sa pagbabantay sa pag-iral ng enhanced community quarantine (ECQ).

 

Sinabi ni Brig. Gen. Marceliano Teofilo, commander ng Joint Task Force National Capital Region, ang mga sundalo ay nagbabantay sa mga distribution centers ng ECQ ayuda, checkpoints at quarantine facilities.

 

Binisita ni Teofilo ang cash-aid distribution center sa Jose Abad Santos High School sa Binondo, Maynila para personal na maobserbahan ang pamamahagi ng ayuda sa mga kuwalipikadong pamilya.

 

Paglilinaw naman ng opisyal hindi militarisasyon ang presensiya ng mga sundalo dahil aniya tumutulong lang sila sa PNP sa pagpapanatili ng kaayusan.

 

Dagdag pa niya, ipinag-utos din ni Pangulong Duterte at Defense Sec. Delfin Lorenzana na tiyakin na magiging maayos ang Metro Manila sa dalawang linggong pag-iral ng ECQ.

Read more...