11 lugar sa Cebu province, isasailalim sa MECQ
Magpapatupad ang Provincial Government at Regional Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease (IATF) ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) with heightened restrictions sa 11 lugar sa lalawigan ng Cebu.
Base sa Facebook post nina Consolacion Mayor Joannes Alegado at Talisay City Samsam Gullas, maglalabas ng Executive Order si Governor Gwen Garcia batay sa kanilang pulong.
Bunsod ito ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa naturang probinsya.
Narito ang mga lugar na mapapasama sa MECQ with heightened restriction:
– Samboan
– Sibonga
– Argao
– Cordova
– Oslob
– Liloan
– Minglanilla
– Consolacion
– Talisay City
– Carcar City
– Naga City
Epektibo ang naturang quarantine classification bandang 12:01, Miyerkules ng madaling-araw (August 11).
Inaasahang maglalabas din si Garcia ng mga panuntunan para sa ipatutupad na quarantine classification.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.