Higit 70 porsyento ng mga residente sa San Juan City, nabakunahan na laban sa COVID-19
Mahigit 70 porsyento na sa mga residente ng San Juan City ang naturukan na ng bakuna laban sa COVID-19.
Sa datos ng San Juan City government, nasa 98,590 ang kabuuang bilang ng mga fully vaccinated na indibiduwal sa lungsod.
Katumbas ito ng 78 porsyento ng kabuuang populasyon ng San Juan City base sa Philippine Statistics Authority (PSA) 202 census at 74.4 porsyento naman sa kabuuang populasyon base sa projected population ng Asian Development Bank (ADB) para sa 2021.
Batay din sa huling datos, nasa 147,421 ang bilang ng mga indibiduwal na nabigyan ng unang dose ng bakuna.
Kasabay nito, pormal nang inanunsiyo ni Presidential spokesperson Harry Roque sa isang press briefing na naabot na ng San Juan City ang population protection laban sa nakakahawang sakit.
Tuluy-tuloy pa rin ang pagbabakuna sa nasabing lungsod.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.