LPA sa loob ng bansa, malabong maging bagyo – PAGASA

DOST PAGASA satellite image

Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang isang low pressure area (LPA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon kay PAGASA weather specialist Joey Figuracion, huling namataan ang LPA sa layong 810 kilometers Silangan ng Calayan, Cagayan dakong 3:00 ng hapon.

Sa halip na maging bagyo, mas mataas aniya ang tsansa na malusaw lamang ang naturang sama ng panahon.

Gayunman, magdudulot pa rin ito ng kalat-kalat na pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon, kasama ang Metro Manila.

Samantala, umiiral pa rin ang Southwest Monsoon o Habagat sa bahagi ng extreme Northern Luzon.

Sa susunod na tatlong araw, sinabi ni Figuracion na walang nakikitang bagyo na maaring pumasok o posibleng mabuo sa teritoryo ng bansa.

Sa Visayas at Mindanao naman, magiging maaliwalas ang panahon maliban na lamang sa mga panandaliang pag-ulan bunsod ng thunderstorms.

Read more...