Go – Duterte tandem sa 2022 elections tumitibay – PDP Laban executive

By Jan Escosio August 10, 2021 - 04:50 PM

Paniwala ng isang mataas na opisyal ng PDP-Laban na sasang-ayunan ng kanilang mga miyembro ang pagtakbo nina Senator Christopher Go at Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022 elections.

Ayon kay Atty. Melvin Matibag, ang secretary general ng administration party, tila wala nang atrasan ang pag-endorso kay Go bilang standard-bearer ng party, gayundin kay Pangulong Duterte, na hinihikayat ng kanilang mga miyembro na tumakbo naman sa vice presidential race.

Ngunit paglilinaw ni Matibag, ang pagsasapinal ng kanilang ‘standard bearers’ ay mangyayari sa party convention sa darating na Agosto 8.

“So far, we have not heard of any other nominees as our candidate for president and vice president so I see nothing to hinder the adoption of the Go-Duterte tandem during our convention,” ani Matibag.

Bagamat pag-amin pa rin nito, ang lahat ay nakadepende pa rin sa magiging pagtanggap ni Go, gayundin ng desisyon ni Pangulong Duterte sa kung ano ang mas makakabuti sa bansa.

Paulit-ulit na sinabi na ni Go na wala siyang interes na maging pangulo ng bansa, ngunit aniya ipinapasa-Diyos na niya ang kanyang kinahaharap sa pulitika, gayundin sa magiging desisyon ni Pangulong Duterte.

Sa ngayon ay sinasabing hati ang partido dahil ayon sa kampo ni Sens. Manny Pacquiao at Koko Pimentel, hindi nila kinikilala ang pamunuan ng PDP-Laban sa ilalim ni Energy Sec. Alfonso Cusi.

TAGS: 2022elections, Go-Duterte 2022, InquirerNews, PDPLaban, RadyoInquirerNews, 2022elections, Go-Duterte 2022, InquirerNews, PDPLaban, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.