Ayon kay Romualdez, hudyat ito ng pagwawakas ng recession na dulot ng pandemya matapos ang 15 buwang pagtitiis ng mga Pilipino.
Aniya, ang economy growth ng bansa ay dahil na rin sa “spirit of teamwork and cooperation” ng mga Pilipino na ipinamalas sa paglaban ng bansa sa COVID-19 pandemic.
Malaki rin aniya ang naiambag sa muling pagbangon ng ekonomiya ng pagtutulungan ng mga ahensya ng gobyerno at pribadong sektor.
Tinukoy din ni Romualdez na sa kabila ng limitadong suplay ng bakuna, ang lalong pagpapaigting sa malawakang COVID-19 vaccination campaign ng pamahalaan ang isa sa susi sa pagusbong ng ekonomiya.
Tiwala ang Majority Leader na tayo ay nasa tamang landas at unti-unti na ring mararamdaman ang resulta na inaasam para sa muling pagbangon ng bansa.