Mataas na GDP ng bansa sa 2nd quarter ng 2021, hudyat ng pagtatapos ng recession
Ang kooperasyon ng publiko ang nakikitang dahilan ni House Majority Leader Martin Romualdez sa 11.8 porsyentong paglago ng ekonomiya ng bansa sa second quarter ng taong 2021.
Ayon kay Romualdez, hudyat ito ng pagwawakas ng recession na dulot ng pandemya matapos ang 15 buwang pagtitiis ng mga Pilipino.
Aniya, ang economy growth ng bansa ay dahil na rin sa “spirit of teamwork and cooperation” ng mga Pilipino na ipinamalas sa paglaban ng bansa sa COVID-19 pandemic.
Malaki rin aniya ang naiambag sa muling pagbangon ng ekonomiya ng pagtutulungan ng mga ahensya ng gobyerno at pribadong sektor.
Tinukoy din ni Romualdez na sa kabila ng limitadong suplay ng bakuna, ang lalong pagpapaigting sa malawakang COVID-19 vaccination campaign ng pamahalaan ang isa sa susi sa pagusbong ng ekonomiya.
Tiwala ang Majority Leader na tayo ay nasa tamang landas at unti-unti na ring mararamdaman ang resulta na inaasam para sa muling pagbangon ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.