Mga Pinoy, mas pinipili na talagang magtrabaho sa ibang bansa – Ople

 

Inquirer file photo

Mistulang automatic na o ‘by default’ na ang pagpili ng mga Pilipino na umalis sa bansa at maghanap ng mas magandang trabaho sa ibang bansa.

Ayon kay senatorial candidate Susan “Toots” Ople, ang isang gobyernong may respeto sa sarili ay hindi dapat hinahayaan ang mga Pinoy na maghanap pa ng ibang trabaho sa bansa at iwanan ang kanilang mga pamilya dito.

Dapat ani Ople, mas makumbinse ng pamahalaan ang mag Pilipino na dito na lamang sa bansa magtrabaho na makakapagpaganda ng kanilang buhay.

Ngunit patuloy aniya itong nangyayari dahil wala namang malinaw na jobs road map ang Pilipinas o kakulangan ng trabaho sa bansa.

Kaya naman suhestyon ni Ople na magkaroon na ng hiwalay na kagawaran sa gobyerno na mamamahala sa kapakanan at pupuno sa mga pangangailangan ng mga overseas Filipino workers (OFWs).

Sa pamamagitan kasi aniya nito, maa-asistehan ng maayos ng pamahalaan, lalo na ng kalihim ng itatalagang kagawaran ang mga OFWs na nire-recruit sa iba’t ibang bansa.

Kailangan din aniyang pagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang pagpapaganda ng ekonomiya ng bansa dahil kaakibat ng kahirapan ang kawalan ng trabaho.

Read more...