BREAKING: Bilang ng COVID-19 cases sa bansa, lagpas 1.67-M na; 8,560 ang bagong napaulat

Mahigit 8,000 muli ang panibagong napaulat na kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Martes (August 10), pumalo na sa 1,676,156 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabi kasing bilang, 79,016 o 4.7 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 8,560 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

94.4 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 1.7 porsyento ang asymptomatic; 1.18 porsyento ang moderate; 1.7 porsyento ang severe habang 1.0 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 92 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 29,220 o 1.74 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 7,964 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 1,567,920 o 94.5 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...