7-percent GDP sa 2021, makakamit ng bansa – Rep. Salceda

By Erwin Aguilon August 10, 2021 - 03:51 PM

Tiwala si House Ways and Means committee chairman Joey Salceda na maabot pa rin ng Pilipinas ang target na pitong porsyentong gross domestic product (GDP) growth sa taong 2021.

Gayunman, sinabi ni Salceda na hindi nangangahulugan na bumubuti na rin ang kalagayan ng mga tao kaya naman mahalaga pa rin na mapabilis ang rollout ng COVID-19 vaccines at pagpapatupad ng mga hakbang laban sa mas nakakahawang Delta coronavirus variant.

Sa oras na mapigilan ang pagkalat ng Delta variant at maiwasan ang surge sa COVID-19 cases tulad ng sa Indonesia at iba pang ASEAN countries, malaki ang posibilidad na maipagpapatuloy ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas sa second half ng 2021.

Hindi rin aniya dapat magpakampante ang lahat dahil hindi ibig sabihin na nakaahon na sa recession ay hindi na ulit babagsak ang ekonomiya ng bansa.

Sa ngayon, sinabi ni Salceda na malayo pa rin ang ekonomiya ng Pilipinas kung ikukumpara sa sitwasyon bago nagkaroon ng pandemya.

Pahayag ito ng ekonomistang mambabatas, kasunod ng 32-year high 11.8 percent na paglago ng ekonomiya ng Pilipinas sa second quarter ng 2021, na siyang dahilan rin nang pag-ahon ng bansa sa recession makalipas ang limang quarter na negative growth.

TAGS: gdp, InquirerNews, JoeySalceda, RadyoInquirerOnline, gdp, InquirerNews, JoeySalceda, RadyoInquirerOnline

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.