Inanunsiyo ng Department of Education (DepEd) na inaprubahan na ni Pangulong Duterte ang pagpapalabas ng World’s Teachers’ Day Incentive Benefit (WTDIB) na nagkakahalaga ng P1,000 sa mga pampublikong guro para ngayon taon.
Sa pahayag ng kagawaran, sinabi na ang incentive benefit ay alisunod sa pangako ng gobyerno na suporta sa mga public school teachers dahil sa kanilang dedikasyon sa patuloy na pagbibigay ng de-kalidad na edukasyon.
“With the ongoing preparations for School Year 2021-2022, we are grateful to our 900,000-strong teachers who have displayed their unwavering passion to serve and educate the Filipino youth,” ayon sa pahayag ng DepEd.
Nabatid na aabutin ng P910 milyon ang ipamamahaging insentibo.
Sinabi pa ng DepEd na maglalabas na lang ng guidelines para sa distribusyon ng P1,000.
Ang dagdag na insentibo ay pinasimulan ni Education Sec. Leonor Briones bilang pagkilala sa mga public school teachers na patuloy na itinataguyod ang edukasyon sa bansa sa kabila ng mga banta dulot ng pandemya.