Isang Mayor sa Metro Manila tinanggalan ng kapangyarihan ni Pangulong Duterte na mamahagi ng pinansyal na ayuda

(Palace photo) Nagpasya si Pangulong Rodrigo Duterte na tanggalan ng kapangyarihan ang isang Mayor sa Metro Manila sa pamamahagi ng pinansyal na ayuda sa mga residente ng apektado ng enhanced community quarantine sa National Capital Region. Ayon sa Pangulo, ito ay dahil sa bigo ang naturang mayor na magsagawa ng maayos na pamamahagi ng ayuda. Hindi naman tinukoy ng Pangulo kung sinong Mayor ang kanyang tinanggalan ng kapangyarihan. “Nakita naman ninyo, it’s on TV and all, na wala talagang kaalam-alam itong mga mayor na ‘to. So tanggalan natin muna ng itong pag — pamimigay, pag-distribute ng pera pati tulong ng gobyerno,” pahayag ng Pangulo. Ayon sa Pangulo, Inatasan niya ang Department of the Interior and Local Government at Department of Social Welfare and Development na mag take over at pangasiwaan ang pamamahagi ng ayuda. “Alam mo may isang siyudad ako dito na I ordered the — your department and itong [DSWD] na kayo na ang magbigay ng mga ayuda pati ‘yung mga kung anong maitulong sa national government sa local government units na walang alam, na hindi marunong mag-organize ng mga distribution and it only results in disorder,” pahayag ng Pangulo. Sinabi pa ng Pangulo may isang Mayor na walang alam at hindi marunong mag organisa ng distribution. Lahat aniya ng  tulong ng pamahalaan na ibibigay sa naturang lungsod ay pangangasiwaaan na ng DILG at DSWD.

Read more...