Pagtaas ng bilang ng mga walang trabaho ibinabala

By Erwin Aguilon August 10, 2021 - 08:32 AM
Ibinabala ni Deputy Minority Leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate ang posibleng pagtaas pa ng mga Filipinong walang trabaho dahil sa ipinapatupad ngayon na enhanced community quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR). Sinabi ni Zarate na dahil sa epekto ng ECQ bunsod ng marami ang hindi makakapagtrabaho sa loob ng dalawang linggo kaya tiyak na tataas pa ang bilang ng mga walang trabaho. Sa pagtaya ng kongresista, posibleng 167,000 o higit pa ang mawawalan ng hanapbuhay dahil dito. Noong Hunyo, nakapagtala ng 3.76 million na mga Filipino na jobless o walang trabaho, mas mataas ng bahagya sa 3.73 million na jobless Filipinos na naitala noong Mayo. Giit pa ni Zarate, ang mga solusyon na inilatag ngayon ng Duterte administration ay hindi angkop para tugunan ang pandemya tulad ng muling pagpapatupad  ng lockdown. Maliban sa pagmamadali na maibigay ang ayudang kinakailangan para sa lahat ng mga pamilyang maaapektuhan ng ECQ, umapela rin si Zarate na pagtibayin na ang Bayanihan 3 na naglalaman ng  tulong para sa mga apektado ng pandemya. Maaari aniyang hugutin ang ayuda sa ilalim ng Bayanihan 3 sa savings ng pamahalaan, gayundin sa presidential confidential and intelligence funds, unprogrammed funds sa ilalim ng Support for Infrastructure and Social Programs, at unprogrammed appropriations sa ilalim ng 2021 Special Purpose Fund.

TAGS: Bayanihan 3, Carlos Zarate, jobless, Bayanihan 3, Carlos Zarate, jobless

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.