Agad namang nagsagawa ng paggalugad ang mga tauhan ng Secret Service Uniformed Division sa lugar kung saan inihagis ng lalake ang kanyang mga personal na kagamitan.
Agad namang inaresto ang hindi kinilalang suspek matapos ang insidente.
Napag-alaman na nasa loob ng White House si US President Barack Obama nang maganap ang security breach.
Nitong nakalipas lamang na Martes, isa pang lalake ang inaresto rin ng Secret Service matapos talunin ang balod ng Eisenhower Executive Building na nasa lugar din ng White House.