DOJ ipinaalala ang proseso sa pag-aresto ng quarantine at health protocols’ violators

By Jan Escosio August 09, 2021 - 11:39 PM

Pinaalahanan ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang lahat ng mga tagapagpatupad ng batas na may proseso sa pag-aresto ng mga lumalabag sa health at quarantine protocols.

 

Aniya may joint memorandum circular ang DOJ, Department of the Interior and Local Government (DILG), kasama ang PNP ukol sa sinasabi niyang proseso.

 

Sinabi nito ang paglabag sa minimum public health standards ay dapat base sa umiiral na batas o ordinansa.

 

Ayon kay Guevarra may mga batas o ordinansa na pinapayagan ang pagmumulta na lang sa paglabag o ang pagbibigay ng community service para hindi na maharap sa kasong kriminal ang mga lumabag.

 

Sa ganitong paraan din aniya ay maiiwasan ang pagsisiksikan sa mga kulungan at holding areas.

 

Kung kakailanganin naman na kasuhan ang lumabag dapat ay agad itong maiharap sa inquest prosecutor, na kinakailangan din na agad magdesisyon.

 

Dagdag pa ni Guevarra, ang mga lokal na pamahalaan naman ay obligado na magtakda ng  malawak at open-air holding areas para sa ‘booking process.’

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.