‘No vaccine, no work’ policy ng mga kompaniya, ilegal – DOLE chief

By Jan Escosio August 09, 2021 - 11:17 PM

Ipinagdiinan ni Labor Secretary Silvestre Bello III na ilegal ang anuman polisiya na nagbabawal sa isang kawani na mag-trabaho kung hindi pa siya bakunado ng COVID 19 vaccine.

 

Aniya walang legal na basehan ang mga negosyante na pilitin ang kanilang mga manggagawa o empleado na magpabakuna.

 

Giit niya ang ‘freedom of choice’ ay ginagarantiyahan sa Saligang Batas.

 

Katuwiran pa ni Bello dahil kulang pa ang suplay ng bakuna sa bansa, hindi talaga maaring pilitin ang sinoman na magpaturok ng sinasabing proteksyon laban sa COVID 19.

 

Sinabi pa nito na maari din gawin basehan ng empleado ang nais niyang brand ng COVID 19 vaccine na nais niyang maiturok sa kanya.

 

Hinihikayat ni Bello ang mga manggagawa na isumbong sa kanyang tanggapan ang mga kompaniya na nagpapatupad ng ‘no vaccine, no work’ policy.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.