Halos 4,000 Pinoy seafarers nabakunahan dahil kay Sen. Cynthia Villar, MARINA

OFFICE OF SEN. CYNTHIA VILLAR PHOTO

Halos 4,000 Filipino seafarers ang nabakunahan ng COVID 19 vaccines sa pagtutulungan ng Maritime Industry Authority (MARINA) at ni Senator Cynthia Villar.

Ayon kay Villar mga bakuna na gawa ng Janssen at Moderna ang naiturok sa mga seafarers, na ngayon ay maari nang muling makapag-trabaho sa mga pinaglilingkurang barko.

Puna ng senadora kabilang ang mga marino sa mga pinaka-apektado ng pandemya at aniya base sa datos ng Department of Transportation, 25 porsiyento ng 1.5 milyong marino sa buong mundo ay mga Filipino.

“The impact of this global health crisis resulted to the shutdown of ship operations and our seafarers losing their income. We believe and hope that this vaccination will be their passport to restore their jobs, ” sabi ni Villar.

Nabatid na hiningi ni MARINA Administrator Robert Empedrad ang tulong ni Villar para mabakunahan ang Filipino seafarers.

Dagdag pa ni Villar ang kanyang ginawa ay pagkilala lang sa malaking kontribusyon ng mga marinong Filipino sa ekonomiya ng bansa.

 

Read more...