300-M, alok para umatras sa presidential race si Sen. Santiago

By Kathleen Betina Aenlle April 28, 2016 - 03:22 AM

 

Inquirer file photo

Ibinunyag ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na may mga nagtangkang manuhol para paatrasin na siya sa presidential race.

Ayon kay Santiago, hindi siya ang direktang kinausap, pero marami ang lumapit sa kaniyang mister para suhulan ito ng aabot sa P300 milyon para mabawi ang mga nagastos na sa kampanya sakali mang pumayag siyang huwag nang kumandidato.

Aniya pa, sadyang pinabababa ang kaniyang standings sa mga pre-election surveys para talikuran siya ng mga contributors na tumutulong sa pagpo-pondo ng kaniyang kampanya.

Kapag aniya nawala na ang contributors at pondo, bibigyan daw siya ng P300 milyon para maibalik ang ginastos sa kampanya.

Sa mga nagdaang surveys, naglalaro lamang sa 2 hanggang 3 percent o hindi tataas sa 5 percent ang kadalasang nakukuhang rating ni Santiago.

Kinwestyon pa ni Santiago ang mga surveys at sinabing bayaran ang mga nagsasagawa nito kaya siya laging nasa ilalim.

Hindi kasi makuha ni Santiago kung bakit sa mga commercial surveys ay nangungulelat siya, samantalang sa mga campus surveys ay siya ang nangunguna.

Paalala pa ni Santiago sa mga botante, kung susundin ang mga resulta ng survey, ibinibigay na natin ang kapangyarihang bumoto sa mga nagsasagawa nito at sila na ang nagde-desisyon sa kung sino ang sunod na mamumuno sa bansa.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.