Diwata, naglalakbay na sa kalawakan

 

Inquirer file photo

Nasa kalawakan na si Diwata.

Opisyal nang pinawalan sa ‘outer space’ ang kauna-unahang Philippine Observation Microsatellite ng Pilipinas na tinawag na Diwata-1 dakong alas 7:45 ng gabi, Miyerkules.

Ang Diwata-1 microsatellite ay pinawalan sa kalawakan ng Japanese Experiment Module ‘Kibo’ may 400 kilometro ang taas mula sa Earth kung saan ito namalagi simula nang makarating ito sa International Space Station noong March 26.

Ang misrosatellite, ay binuo ng siyam na Filipino engineers mula sa University of the Philippines at Department of Science and Technology-Advanced Science and Technology Institute.

Gamit ang apat na specialized cameras, inaasahang kukuha ng libu-libong mga larawan ng iba’t-ibang bahagi ng Pilipinas si Diwata-1 na magagamit sa pananaliksik sa pagbabago ng panahon, land and water resources  at agricultural productivity sa bansa.

Inaasahang aabot sa 20 buwan na iikutin ng Diwata-1 ang mundo at kukuha ng mga larawan ng Pilipinas bago ito matapos sa kanyang itinakdang  tungkulin.

Read more...